Celebrity, news, partnerships

#BarangayCaravan: MyPhone Goes to Paco, Manila

Naganap noong Sabado, Hunyo 22, ang pinaka-unang Barangay Caravan ng MyPhone sa Barangay 815, Zone 88, Fabie St., Paco, Manila sa ganap na alas-kwatro ng hapon.

Masayang nakilahok ang mga residente sa nasabing barangay sa mga games at fun entertainment na handog ng MyPhone at ng mga GMA Artists Krystal Reyes at Kyle Vergara.


Hosted by Kapamilya Chat Host at Actor na si Joric Pecson, masayang nakilaro at naki-isa ang mga residente sa mga inihandang group games ng MyPhone. 

Group Game 1: Ipasa Mo Ang Pulbura Ko!

Para sa Game 1, ang dalawang grupo, na binubuo ng limang miyembro bawat grupo, ay nagtulungan upang makakuha at makaipon ng harina, at ang grupo na may pinakamaraming naipon na harina ay mananalo ng myC1, ang isa sa mga Fake Money Reader barphones ng MyPhone.



Group Game 2: Ipasa Mo Ang Chismis Ko!

Para sa Game 2, magpapasahan ng tsismis ang dalawang grupo at ang unang maka-lamang at makakuha ng kumpleto o mas malapit na tsismis ay mananalo ng myC2, ang isa sa mga Fake Money Reader barphones ng MyPhone. 



Group Game 3: Cooking ng Ina Mo!

Para sa Game 3, nagpresenta ang apat na mga nanay na magluto ng Adobo at kung sino ang may pinakamasarap na adobo ay mananalo ng MyPhone Android phone with DTV Dongle.





Jackpot Round: MyPhone o Kahon

Para sa Jackpot Round, magtatagisan ng talino ang limang nabunot sa raffle at ang unang maka-tatlong puntos ay maglalaro sa Jackpot Round at may chance manalo ng Grocery Package mula sa MySip, products from Savers Square, at MyPhone SmartPhone. 

Nagkaroon din ng MyPhone 2-day selling sa barangay simula sa araw ng caravan habang 1-day selling para sa mga sponsors ng pinaka-unang barangay caravan. 

Lubos na nagagalak at nagpapasalamat ang MyPhone sa lahat ng Ka-Tropa na naki-join sa pinaka-unang MyPhone Barangay Caravan.

Abangan ang susunod na Barangay Caravan sa July 06. I-like at i-follow ang social media pages ng MyPhone para sa iba pang detalye.