Devon Seron at Kyra Custodio, patok ang tambalan sa Tropa Tambayan

Devon Seron at Kyra Custodio, patok ang tambalan sa Tropa Tambayan

Talagang patok sa ating mga netizens si Devon Seron at ang kanyang bagong co-host na si Kyra Custodio sa  Tropa Tambayan

Inaabangan na at tinututukan ng mga ka-tropa at netizens from Luzon, Visayas at Mindanao at maging sa ibang bansa ang morning Facebook Live show ng MyPhone, ang Tropa Tambayan na umaabot lagpas 50,000+ views per episode. Bukos sa mga mga pa-premyo from MyPhone and it’s sponsors like Ysa Skin and Body Experts, David’s Salon, Chub Chasers, and Brown ay nagbibigay aral at saya rin ang ang naturang show ni Devon Seron kasama ang kanyang guest co-host at real life bestfriend na si Kyra Custodio.

 

Tumatak din ang mga hirit at hugot ni Kyra na siya namang inaabangan din ng netizens kaya naman nagdesisyon ang management na gawin siyang official co-host ni Devon! kaya mapapanood din natin siya sa mga susunod pang episode ng Tropa Tambayan.

“Sobrang nag-enjoy akong mag-host kasama ni Devon,” ani Kyra, “kaya nung lagi nila akong niyayaya na mag-host, game ako agad! MyPhone pa ba, Kaya ang saya nung official na co-host na’ko. “Buti pa dito matatawag na akong official, eh kami kaya ?”, CHAROT!” hugot ni niya, “Abangan n’yo po, marami pa kaming kalokohan at kasiyahan!”

Kyra Custodio and Devon Seron

Parehong produkto ng isang reality show ng ABS-CBN si Devon at Kyra kung saan naging teen housemates sila sa Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010. Matapos maging housemates ay pinagpatuloy ng dalawa ang kanilang mga showbiz careers at napapanood sa mga TV shows mula sa Kapamilya network. Nitong nakaraang March ay pinag-usapan ang pag-lipat ni Devon from Kapamilya to Kapuso Network.

Kyra and Devon at Tropa Tambayan’s MyPhone o Kahon segment

Si Devon ay endorser ng MyPhone sa mahigit pitong (7) taon na, at nitong nakaraang June 16, 2018, kasabay ng kanyang contract renewal, ay inatasan siya ng MyPhone na maging main host ng MyPhone Facebook Live Show na kilala nga ngayon ng millennial as “Tropa Tambayan”.

“Sobrang enjoy po every episode na ginagawa namin ang Tropa Tambayan, may new learning and mas nagiging comfortable na po ako sa hosting ko, pero syempre I still have a lot to learn. challenging lang po kasi morning yung show so we need to really exert effort to reach more audience, Grateful po ako sa MyPhone family ko na na-consider din nila yung availability namin para ma-push ang show and yung full support ng team.” – masayang tugon ni Devon.

Nakaka-anim na episode na ang Tropa Tambayan kung saan ang first episode ay umabot na ng 140,000+ views, habang ang bawat episodes ay hindi bumababa ng 50,000+ views. Abangan ang kanilang kulitan sa 7th episode ng Tropa Tambayan bukas (Sept. 8, 2019), 11am parin po yan. Usapang Women Empowerment ang topic with their special guest Ms. Dianne Medina Subscribe now to Facebook!

 

Leave a Reply