Pagibig at Women Empowerment kasama si Dianne Medina!

Pagibig at Women Empowerment kasama si Dianne Medina!

Kilig at confidence ang umiral sa Tropa Tambayan last week. Kasama ng mga host na sina Devon at Kyra, tinalakay ng ating unang female guest ang kanyang fiance na si Rodjun Cruz at ang kalagayan ng women empowerment sa society.

ARVE Error: id and provider shortcodes attributes are mandatory for old shortcodes. It is recommended to switch to new shortcodes that need only url

Ang surprise na dapat para kay Rodjun ay naging para kay Dianne rin!

11 years nagsama bilang magkasintahan sina Rodun at Dianne at nung 2017, nag-propose si Rodjun. Pinag-usapan ng mga host at ni Dianne ang kanilang ups and downs mula noon hanggang ngayon. “There is no such thing as a perfect relationship,” sabi niya, “kailangan i-gauge mo sa sarili mo how much you love him and you should love that person more than his mistakes.” Binigyan-diin rin niya ang importansya ng pagmamahal sa Diyos sa relationships. “Center your relationship in God,” ani niya.

ARVE Error: id and provider shortcodes attributes are mandatory for old shortcodes. It is recommended to switch to new shortcodes that need only url

Tinanong din nina Devon at Kyra si Dianne tungkol sa career niya at kung paano ang pakiramdam maging babae sa industriya. “Siyempre… ngayon iba na ‘yung women empowerment,” ani Dianne, “lumalaban na ang generation ngayon… ang lahat ng kaya ng mga kalalakihan kaya na rin nating gawin.”

ARVE Error: id and provider shortcodes attributes are mandatory for old shortcodes. It is recommended to switch to new shortcodes that need only url

Nakikilala si Dianne bilang sikat na artista, model, host, at anchor. Ngayo’y radio host siya para sa isang radio show sa Malacanang.

Abangan muli ang mga susunod naming guests sa Tropa Tambayan tuwing Sabado, 11 ng umaga, sa Facebook.

Leave a Reply