news, technology

Sintomas, sanhi, at lunas sa mataas na presyon, ibinahagi sa e-book ni Doc Willie Ong

Ipinagdiriwang tuwing buwan ng Mayo ang Hypertension Awareness Month kung saan hinihikayat ang mga mamamayang Pilipino na mag-check ng blood pressure araw-araw upang malaman ang pagtaas o pagbaba nito.


Ang hypertension o high blood pressure ay isa sa mga nakamamatay na sakit sa buong mundo at ang pangalawang dahilan nang pagkamatay ng isang Pilipino. Ano nga ba ang ibig sabihin ng high blood?


Ayon sa isa sa e-books ni Doc. Willie Ong na High Blood Pressure at Alagaan ang Iyong Puso, “kapag ang blood pressure niyo ay lampas sa 140 over 90, marahil ay may high blood ka na.”


Isinalaysay rin ni Doc. Willie na maaaring tumaas ang blood pressure kapag nag-eehersisyo, galit, at pagod. “Tataas ang presyon pero hindi ibig sabihin ay high blood ka na,” ayon sa kaniyang libro.



SANHI NG HIGH BLOOD


Ayon sa libro ni Doc Wille Ong, may dalawang maaaring sanhi ang high blood. Maaaring ito ay namana sa magulang o nakuha sa maling pamumuhay tulad ng paninigarilyo, pagiging overweight, pagkain ng sobrang alat at taba, at kulang sa ehersisyo.


Nakasaad din sa kanyang libro na maraming “factors” na maaaring magpataas ng presyon tulad ng pagupuyat, laging nagagalit, sobrang init ng panahon, at sakit sa bato.


SINTOMAS NG HIGH BLOOD


Ayon kay Doc Willie Ong, walang sintomas ang high blood ngunit maswerte ang mga tao na nakararanas ng mga sintomas tulad ng pagsakit ng batok, mabigat na ulo, o ‘di kaya naman ay pagkahilo.


Hindi kataka-taka na tinawag itong “silent killer” dahil nga sa kadalasan ay wala itong ipinapakitang sintomas sa katawan ng tao.


PAANO MAKAIIWAS SA HIGH BLOOD?


Ilan lamang sa ibinigay ni Doc Willie Ong na paraan upang makaiwas sa high blood ay ang madalas na pag-eehersisyo at pagkain ng tama at sapat na pagkain.


Mahalaga ang pag-measure sa inyong kinakain upang hindi mabigla ang ating tyan sa anumang pagbabago. Iwasan na rin ang pagkain ng matataba at macholesterol na pagkain na maaaring magdulot ng paninikip ng dibdib.


Mahalaga rin ang tamang pag-eehersisyo. Ugaliin na magkaroon ng oras sa pag-eehersisyo dahil malaki na rin ang pagbabago sa inyong katawan kahit na 2-3 times a week ang pag-eehersisyo. Nakatutulong din ang pag-eehersisyo sa pagtanggal ng negative vibes sa ating katawan.


E-BOOKS


Available na ang mga e-books ni Doc. Willie Ong via the Pinoy App, the pre-embedded app of MyPhone.


I-download at basahin ang mga libro ni Doc Willie FOR FREE! How to avail?


  1. Buksan ang inyong browser at i-paste ang link na ito: http://bit.ly/2H2K4Kl
  2. Hintayin mag-load ang page. Pagkatapos ay i-download ang file.
  3. I-click ang “Save File” at buksan ito sa inyong File Manager.
  4. I-click ang Pinoy _10.02.apk at i-install manually sa inyong phone.

Para sa iba pang detalye, i-click ang link na ito: http://bit.ly/E-BooksOnPinoyApp