news, Update

Nakaranas ng mahina hanggang sa malakas na pagyanig ang ilang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao nitong nakaraang mga araw. Ano ang dapat na gawin upang maging handa sa anumang hindi inaasahang sakuna?

  1. House (Bahay) : Siguraduhing ibaba ang mga gamit na maaaring bumagsak at humarang sa daan palabas ng inyong bahay o lugar.
  2. Survival Kit –  Siguraduhing kumpleto ang gamit na nasa survival kit ng bawat miyembro ng pamilya. Dapat may mga gamit ito sa panligo tulad ng sabon, toothbrush at toothpaste, mga damit, suot pambaba tulad ng sapatos at tsinelas, atbp. Kung kailanganin, ihanda na rin ang mahahalagang dokumento tulad ng birth certificate at passport.
  3. Evacuation Plan – Planuhin at magtalaga ng “temporary” evacuation plan na malayo sa anumang matataas na bagay at gusali upang paghintayan sa mga naiwan pang kasama.
  4. Family(Pamilya) – Pagusapang mabuti ang lugar na pagkikitaan kung sakaling maligaw at magkahiwahiwalay sa gitna ng pagyanig ng malakas na lindol. Gumawa rin ng “escape path” plan palabas ng bahay at ipaalam ito sa buong pamilya.
  5. Phone – Siguraduhing fully-charged ang inyong mga phones upang makatawag at makahingi ng tulong sa mga taong maaasahan sakaling ma-trap sa isang lugar. I-save na rin ang mga numero ng mahahalagang tao at ahensya na maaaring tawagan.

Tandaan, ka-tropa, mahalaga na maghanda na agad upang hindi magulat sa mga hindi inaasahang sakuna.

0

news, technology

Hangad ng MyPhone ang kaligtasan ng lahat, kaya naman ay narito ang mga kailangan ninyong ihanda sakaling dumating ang THE BIG ONE o anumang hindi inaasahang sakuna:

Sa isang bag, maglagay ng pagkain na sapat sa tatlong araw tulad ng mga delata, juice drinks at softdrinks, crackers, candies, bottled water, at iba pang pagkain na hindi madaling mabulok o masira.

Isama na rin sa inyong survival bag ang mga mahahalagang dokumento tulad ng pasaporte, birth certificate, at valid IDs.

Maglaan na rin ng mga simpleng kasuotan, sapatos o tsinelas, gamit sa banyo tulad ng tissue, sabon, toothpaste at toothbrush, first aid kit na naglalaman ng pantakip sa sugat, gauze, face mask, at iba pa, at huwag kalilimutan ang mga mahahalagang gamot na kailangang inumin.

Kung maaaring ma-trap sa isang lugar, ihanda na rin ang mahahalagang gamit tulad ng whistle para makahingi ng tulong sa mga makakarinig nito, posporo or lighter kung kailanganin man ng apoy, at de-bateryang radyo at extra batteries para updated sa kasalukuyang nagaganap,

Higit sa lahat, ihanda na rin ang Emergency Phone ng MyPhone, ang my112i na may powerbank function, bright flashlight, at SOS alarm button.

Mabibili ang MyPhone Emergency Phone sa halagang P1,099 lamang. Bili na sa pinakamalapit na MyPhone kiosks, multi-brands, at concept stores o sa MyPhone Official Store sa Lazada and Shopee.

0