Digital, media, news, Promos

Naganap noong August 16 to 18 at August 31 to September 1 ang Warehouse Sale ng MyPhone sa Bicutan kung saan up to 70% OFF mabibili ang selected MyPhone products. 


Dinagsa ng libu-libong taga-suporta ng MyPhone ang Wave 1 at Wave 2 ng sale kung saan unang araw pa lamang ay nagkaubusan na ang discounted products from MyPhone gaya ng my28s at DTV Android phones. 


Dahil sa naging matagumpay ang Wave 1 ng MyPhone Warehouse Sale, binuksan muli ito para sa Wave 2 with more products on sale. 


Lubos na nagpapasalamat ang MyPhone sa lahat ng pumunta upang mag-inquire at bumili ng MyPhone products. 


“Sa ika-12 na taon ng MyPhone, isa lang ito sa mga paraan namin upang pasalamatan ang aming mga Ka-Tropa sa patuloy na pagsuporta sa first Filipino mobile brand dito sa Pilipinas,” sabi ni Inyi Yruma, ang Marketing Head ng MyPhone. 


“Hindi kami magsasawa na magbigay ng quality and affordable phones para sa masa,” aniya.

Like and follow MyPhone’s official social media pages para updated ka sa mga paparating na sale at promos ng MyPhone.

0