#BarangayCaravan: MyPhone Goes to North Luzon

Barangay Caravan North Luzon - Featured- Image

Naganap noong Sabado, Hulyo 27, ang pangalawang Barangay Caravan ng MyPhone sa Barangay Cutcut, Guiguinto, Bulacan sa ganap na alas-kwatro ng hapon.

Barangay Caravan North Luzon 1
Barangay Caravan North Luzon 2
Barangay Caravan North Luzon 3

Masayang nakilahok ang mga residente sa nasabing barangay sa mga games at fun entertainment na handog ng MyPhone at ng mga GMA Artist Krystal Reyes at Magno Twins.

Barangay Caravan North Luzon 4

Hosted by Kapamilya Chat Host at Actor na si Joric Pecson, masayang nakilaro at naki-isa ang mga residente sa mga inihandang group games ng MyPhone.

Group Game 1: Ipasa Mo Ang Pulbura Ko!

Barangay Caravan North Luzon 5

Para sa Game 1, ang dalawang grupo, na binubuo ng limang miyembro bawat grupo, ay nagtulungan upang makakuha at makaipon ng harina, at ang grupo na may pinakamaraming naipon na harina ay mananalo ng myC1, ang isa sa mga Fake Money Reader barphones ng MyPhone.

Group Game 2: Cooking ng Ina Mo!

Para sa Game 3, nagpresenta ang apat na mga nanay na magluto ng Adobo at kung sino ang may pinakamasarap na adobo ay mananalo ng MyPhone Android phone with DTV Dongle.

Barangay Caravan North Luzon 6
Barangay Caravan North Luzon 7

Binigyang pansin din ang mga store owners at tricycle drivers sa barangay. Nakatanggap ng MyPhone Arm Sleeves at Pinas Watch ang mga TODA drivers at myC1 naman para sa mga store owners.

Jackpot Round: MyPhone o Kahon

Barangay Caravan North Luzon 8
Barangay Caravan North Luzon 9

Para sa Jackpot Round, magtatagisan ng talino ang limang nabunot sa raffle at ang unang maka-tatlong puntos ay maglalaro sa Jackpot Round at may chance manalo ng Grocery Package, products from Savers Square, at MyPhone SmartPhone.

Nagkaroon din ng MyPhone 1-day selling sa barangay simula sa araw ng caravan, pati na rin ang mga sponsors sa pangalawang barangay caravan.

Lubos na nagagalak at nagpapasalamat ang MyPhone sa lahat ng Ka-Tropa na naki-join sa pangalawang MyPhone Barangay Caravan.

Gusto mo bang bisitahin ng MyPhone ang barangay niyo? I-like at i-follow ang social media pages ng MyPhone para sa iba pang detalye.

Articles you may like
Menu