MyPhone and MyHouse offers Free accommodation for medical frontliners in MyRainbow Place Dormitory..

We at MyPhone along with our sister companies MyHouse and MyRainbow Place Dormitory are extending our support to our Filipino frontliners who continuously work to serve for our fellow Filipinos, risking their lives while saving others.

 

Ang panahon ng krisis sa bansa tulad ng Covid19 ay nagbubuklod sa ating mga kababayan, pamahalaan at pribatong sektor upang magbayanihan at ipadama ang pagmamahal sa bawat isa.

Para sa kabatiran ng nakakarami, Ang MyRainbow Place Dormitory ay nakipag-ugnayan na sa local government ng Quezon City upang bigyan ng FREE Accommodation ang ating mga Medical frontliners. Sa kasalukuyan ay mahigit kumulang isang daan na ang tumutuloy na medical frontliners sa pasilidad ng dormitoryo.

Bukod sa Free accommodation para sa ating frontliners, may ilang mga kumpanya na rin tulad ng Johnson & Johnson na nagbigay ng daily essential goods and first aid kits, gayun din ang Globe Telecom na nagbigay ng libreng Internet connection para sa ating medical frontliners habang sila ay nagpapahinga sa ating pasilidad.

Katuwang ng MyPhone ang ilang mga indibidwal na patuloy na nagbibigay ng suporta tulad ng pang araw-araw na makakain ng  frontliners. Sa mga indibidwal na nais rin pong makatulong, donations or in kind kami po ay kumakatok sa inyong mga puso.

Articles you may like
Menu